Friday, January 13, 2017

Ang Makulay na Talambuhay ni TP

Makulay pala ang talambuhay ni idol. Masaya at malungkot. Puwedeng pang MMK o pang Magpakailanman. Pero teka hindi pala puwede sa idol ko ang mga yun, kasi mga bayarang media talaga yang ABS at GMA, baka kung ano pang spin at panlalaba ang gawin sa talambuhay ni idol. Hindi maging makatotohanan. Siguro sa PTV4 na lang, at si Sir Martin Andanar ang maging Maam Charo o Maam Mel, tutal, madalas at mabilis naman umiyak si Sir Martin eh.

Kung interesado kayo at gustong pag-chismisan ang talambuhay ni idol, tulal para na ring celebrity ang idol ko, nagpapa-interview na rin sa TV,  dito nyo masusubaybayan --> https://iamnooneatall.wordpress.com/tag/nieto/

Malamang nakalimutan na ni idol yang blog na yan, at password nyan, hindi na nya ma-delete eh. Mahigit walong taon na nakalipas eh. Hindi naman kumikita yang blog na yan. Walang interes ang mga tao sa kung anong kadramahan ng buhay ng isang tao. Mas may interes ang tao kung napapatawa o naloloko mo sila. Ganun. Para makalimutan nila ang mga problema at gutom nila. At magbabayad ang mga tao para basahin yun. Talino talaga ng idol ko.


Tipo ka ba ni TP?

Alam naman ng mga masusugid na tagahanga ni TP kung ano ang tipo ni TP. Kung interesado kang maging tipo ni TP. Heto ang mga TIPS para maging TIPO ni TP. Ikaw na humusga kung tipo ka ni TP.


TP, RJ, Joey


Sino nga ba si idol bago sya naging Thinking Pinoy? Pag isunulat ang kasaysayan ng Tatay Digong at paano sya nailuklok sa kapanguluhan, hindi dapat mawala ang pangalang RJ Nieto, na muntik ng mamatay, dahil sa impeksyon sa dugo, nung panahon ng kampanya. Napakalaking sakripisyo ang ginawa nya ayon sa kanya, para maka-tulong sa kampanya ng Tatay Digong. Ganon. Ganun lang. Buhay ang tinaya nya para kay Tatang. Kaya nyo yon? Wala. Si idol lang ang makakagawa nun.

Halina't kilalanin natin sya, ayon sa sariling salita nya. Alam nyo ba saan galing ang pangalan nya? Mula sa isang tseke. Tama, sa isang cheke. Malamang, madalas na nya makita ang pangalan nya sa mga tseke ngayon. Yung totoong tseke ah, di gaya daw ng peke daw na tsekeng binigay ni Bongbong kay Moka. Teka, alam kaya ni Moka na Joey ang naging tawag kay TP nuon?









Trabaho, Paaralan at US Visa


Sa mga nagtatanong at nag-re-request, heto ang buong Linked-in profile (sa ibaba) ni idol at profile naman nya sa upwork ata (sa itaas). Maganda at kahanga-hanga. Ewan ko lang kung bakit nya ito tinanggal na. Hindi naman kahiya-hiya ang mga ito.

Mantakin nyo. UP Diliman nakapag-aral, at miyembro pa ng Debate Society. Kaya naman pala mahilig makipag-debate si idol sa mga umaalipusta sa idolo nyang Tatay Digong. Malupit. Valedictorian pa nung high-school. Saludo talaga ako sa kanya. Kaya pala magaling magpa-ikot-ikot ng logic itong si idol. Mathematician pa. Mapapaniwala ka nya na siguro na 1+1 ay hindi 2, ganun siguro ito katalino.

Napabilib nya rin siguro ung US Consul na nag-interbyu sa kanya, para bigyan sya ng 10 years na US Visa. Buti pa sya may US Visa, ang Tatay Digong wala. Siguro sa pagmamahal nya kay Tatay Digong, isasauli nya ang US Visa na ito, alang-alang sa pag-suporta nya kay Tatay Digong. Sa tingin nyo?










Isang Ordinaryong Mamayang Pilipino




Ayon sa dati nyang LinkedIn profile, na wala na ngayon, naging writer pala sya,  kaya pala sya magaling mag-sulat. Siguro dahil na rin sa iniisip nyang banta sa kanyang buhay ngayon, kailangan nyang tanggalin ang profile na yan. O pwede rin namang hindi na nya kailangan ng LinkedIn profile dahil hindi na nya kailangan ng trabaho pa.

Madalas na nga ang pangingibang bayan ni idol, nakakapanood pa ng kung anu-anong palabas sa ibang bansa, may US visa rin sya, ordinaryong-ordinaryong mamayang Pilipino talaga ang idol ko, at hindi lang yon, nakakadaupang palad pa niya ang mga bigating tao ngayon. Tulad ng bigating si Bato.


at si bigating Cayetano.


Kitang kita naman, napaka-ordinaryong tao lang ng idol ko. Lahat ng sinusulat nya ay para sa mga maliliit at ordinaryong mamayan laban sa mga taong nasa kapangyarihan. Tagapagtanggol ng maralita. Yan ang idol ko, ating tularan.

Ang Simula

Dito nagsimula ang lahat para kay idol. Ito ang pinost nya sa X-Rappler, isang bahagi ng Rappler para sa mga bloggers, noong November 2015. Tama Rappler.  Hindi pa sya galit dati sa Rappler, hindi pa siguro bullshit ang Rappler para sa kanya noon. Ngayon, bullshit na ito para sa kanya. Rappler kasi masyadong biased? bias? (ewan ko, ano ba tama?, litong lito na ako dyan eh, hindi naman kasi ako matalino, sila na, silang hindi bumoto kay Tatay Digong, sila na, sila na ang matalino.)  Wala na ito ngayon sa X-Rappler. Tinanggal na ni idol. Pero salamat na lang sa mga tips ni idol kung paano sa maghanap sa internet. Salamat Google. Tandaan, sa internet, may forever. Bawat picture at post mo sa internet - forever yan. Sa mga bata dyan at nagbabata-bataan, think before you click talaga.

Sa Wakas


Si IDOL. Sa wakas, nagpakilala na sya. Siya nga, siya nga si Rey Joseph (RJ) Nieto, mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy. Isa siyang blogger at masugid na tagahanga at tagapagtanggol ni Pangulong Duterte. Marami syang napapaniwala sa mga blog posts nya, at marami ring umaaway sa kanya. Ayon sa kanya, may banta daw sa kanyang buhay. Nawa'y nasa mabuti syang kalagayan ngayon. Tulad ng galing nya sa pag-lalaba at pag-goo-google, ito ang kuwento ng buhay nya ayon sa resulta ng Google.