Friday, January 13, 2017

Isang Ordinaryong Mamayang Pilipino




Ayon sa dati nyang LinkedIn profile, na wala na ngayon, naging writer pala sya,  kaya pala sya magaling mag-sulat. Siguro dahil na rin sa iniisip nyang banta sa kanyang buhay ngayon, kailangan nyang tanggalin ang profile na yan. O pwede rin namang hindi na nya kailangan ng LinkedIn profile dahil hindi na nya kailangan ng trabaho pa.

Madalas na nga ang pangingibang bayan ni idol, nakakapanood pa ng kung anu-anong palabas sa ibang bansa, may US visa rin sya, ordinaryong-ordinaryong mamayang Pilipino talaga ang idol ko, at hindi lang yon, nakakadaupang palad pa niya ang mga bigating tao ngayon. Tulad ng bigating si Bato.


at si bigating Cayetano.


Kitang kita naman, napaka-ordinaryong tao lang ng idol ko. Lahat ng sinusulat nya ay para sa mga maliliit at ordinaryong mamayan laban sa mga taong nasa kapangyarihan. Tagapagtanggol ng maralita. Yan ang idol ko, ating tularan.