Si IDOL. Sa wakas, nagpakilala na sya. Siya nga, siya nga si Rey Joseph (RJ) Nieto, mas kilala sa tawag na Thinking Pinoy. Isa siyang blogger at masugid na tagahanga at tagapagtanggol ni Pangulong Duterte. Marami syang napapaniwala sa mga blog posts nya, at marami ring umaaway sa kanya. Ayon sa kanya, may banta daw sa kanyang buhay. Nawa'y nasa mabuti syang kalagayan ngayon. Tulad ng galing nya sa pag-lalaba at pag-goo-google, ito ang kuwento ng buhay nya ayon sa resulta ng Google.