Friday, January 13, 2017
TP, RJ, Joey
Sino nga ba si idol bago sya naging Thinking Pinoy? Pag isunulat ang kasaysayan ng Tatay Digong at paano sya nailuklok sa kapanguluhan, hindi dapat mawala ang pangalang RJ Nieto, na muntik ng mamatay, dahil sa impeksyon sa dugo, nung panahon ng kampanya. Napakalaking sakripisyo ang ginawa nya ayon sa kanya, para maka-tulong sa kampanya ng Tatay Digong. Ganon. Ganun lang. Buhay ang tinaya nya para kay Tatang. Kaya nyo yon? Wala. Si idol lang ang makakagawa nun.
Halina't kilalanin natin sya, ayon sa sariling salita nya. Alam nyo ba saan galing ang pangalan nya? Mula sa isang tseke. Tama, sa isang cheke. Malamang, madalas na nya makita ang pangalan nya sa mga tseke ngayon. Yung totoong tseke ah, di gaya daw ng peke daw na tsekeng binigay ni Bongbong kay Moka. Teka, alam kaya ni Moka na Joey ang naging tawag kay TP nuon?

